Saturday, March 26, 2005

PHan Visit.

Thanks to Mary for these pics! =) (pics nanaman! hehehe...)

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com


Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com


Friday, March 25, 2005

Magpipinsan.

Because I couldn't get *all* of my cousins to hold still and be in one place for at least a minute for one measly picture, the so-called 'tres marias' of the Santos clan are the only ones that could be seen here. (Translation: the three of us were the only ones game and vain enough to pose in front of the camera). Oh well, if everybody was to be in one photo, we wouldn't fit anyway. Heh.

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com


Sunday, March 20, 2005

Loss.

No, it's not about Manny Pacquiao.

Papa, my paternal grandfather, passed away.

He and Mama took care of me during the first three years of my life. I was very, very close to both of them. He had been living here, with us, in Manila, ever since Mama died in 2003. He went home to Zambales with Chloe, Auntie Ming, Uncle Cesar and Kuya Bebot last Tuesday (the first time since Mama's death anniversary), and he's not coming back. He went home for good.

Ang bait ni Papa. Tinapat pa niya ng Holy Week, walang pasok kaming mga apo niya. Nabisita pa siya ng isa sa mga anak niyang sa New Jersey nakatira, at ng isa pang kapitan ng barko. At saktong uuwi bukas ang panganay niya na sa California naman nakatira. Parang napili rin niya na sa Zambales na siya mamahinga. Tulad ni Mama.

Just like how he was when he was alive, he went away in silence. The utter simplicity is just so like him.

I already miss him and his quotable quotes.

"30 (?) years in the service and only one sweetheart!"

(He served in the Army as a dental officer. Many people are never quite sure whether they should call him "Dr. Santos" or "Col. Santos".)

At Mama's wake, someone came up to him and offered condolences.

Man: "Sir, condolence po."
Papa: "Same to you."

I also remember that when I was younger, I was fond of asking him about how he used to play table tennis (he called it "ping-pong") with then-military officer (and former President) FVR.

Of course when Mama passed away, he began to deteriorate. We knew that it wouldn't be that long, too, before he'd go. I just didn't think it would be now. It seems so sudden, but it also feels right. But I'm still in denial and I haven't really cried yet. Kinakabahan tuloy ako na baka sa libing ako gumawa ng eksena.
Anyway, I'll post more when I come back from the province, after his burial on Thursday morning.



Pa, I'm sorry for being makulit while you were sleeping. I'm sorry I gave you the plastic banana, just for the heck of teasing you. I'm sorry for the many times I didn't kiss you when I got home from school, using my tiredness as an excuse. I'm sorry for not telling you that I love you. Because I do, Papa. I love you. I hope you're with Mama now. I miss you both, and I love you.



Thursday, March 17, 2005

Walking.

Wala lang. Nakakaliw noh? Hehe.

Image hosted by Photobucket.com

I can't remember where I got this eh. Basta, ang galing ng gumawa nito, whoever he or she is. Astig!

Wednesday, March 16, 2005

Luxuries, II.

Have things changed? No and yes. Luxuries (which I now christen Luxuries I) was written seven months ago.

A new book: either a novel or a collection of short stories. A text message from an old friend. A phone call from a close friend. My digital camera. Being able to drink cold water and iced tea again, after having the worst flu of my life. Any movie that has Edward Norton in it. Hearing Chloe say "Labshu, ate Ta", and watching Spongebob vcds with her again and again (and again... as if I didn't have any important schoolwork to do). Finally having a working printer. Jam 88.3. Ferrero Rocher. Still being able to talk to Jasmine about anything, just like in high school, even if it's been two years since graduation. Being able to have dinner with Nica, once or twice a month. The best friggin' CD ever: Green Day's American Idiot album. A 1.0 or 1.25. Unlimited call and text, thanks to Sun. A new Friendster testimonial. My Happy Feet sandals. Eating out with Ate Dana, Elaine and Manix. Laughing trips with Rose, Mark (Curefang!), and even Angelo (Keyser). Literati with Paolo. Almost-weekly gimmicks with Mackie, Mariz and Lovely. Talking to Ate Ella about stuff that other people shouldn't hear. A compliment from my favorite professor. Stuffed crust pizza. Hanging out with my Dad (yup, you read that right). Daydreaming. Reliving the good ol' days with Mary, Kristine and Marivic. Free internet between 12 midnight and 8 am. Reruns of FRIENDS. Being able to drink and turning red only in areas that are covered by clothing. Chatting with old Kostka batchmates, thanks to YM. 'Your Song' by Parokya ni Edgar and 'You'll Be Safe Here' by Rivermaya. Hearing a really painful 'heartbreak' song on the radio, and not being able to relate to it. Not being the new kid in school anymore. Waking up in the morning with a text message from S. waiting for me. Hearing S's voice before going to sleep. Boxes full of old pictures and random stuff -- random meaningful stuff, that is. My blog. My bed. My room. Contentment for today, and having something to look forward to tomorrow. Newfound hope.

Sunday, March 13, 2005

Di pa natutulog.

Wala lang. Wala palang epekto sakin ang mga pinagkkwento ko kanina. Di pa ako natutulog. Hay. Eto, kachat ko si Mary at kahit maluluwa na mata ko sa pagsusurf-surf ng kung anu-ano, di ko magawang iwan ang PC...para tumulala nnman sa kama ko at mag-isip ng kung anu-ano.

Nga pala, I have to share this.. di ko kakilala ang sumulat nito or anything, pero sobrang relate-ever kasi sa mga sinulat nya. Hay. And I'm sure marami ring makaka-relate dito. Siyempre from Peyups.com yan. =)

Hmm. Sleep na nga ako.

Saturday, March 12, 2005

Hot.

O, siya, siya. I'll be faithful in updating my blog na. Starting... now. Why? Kasi ang Friendster may blog na, pero wala akong planong gamitin yon. Wala lang. Hehe. Parang ayoko namang lahat ng "friends" ko dun eh mababasa ang mga kwento-kwento ng buhay-buhay ko. Hah.

Aaaanyway... Okay. Since I'm often online naman, dapat "karirin" ko na 'to diba? Tamad lang kasi ako magsulat eh, kaya madalang ako mag-post dito. At dahil tamad nga ako magsulat, hindi ko na ikkwento ang pangyayaring nangyari these past few days/weeks, uumpisahan ko na lang with ..today. (duh) Eion. So.. Saturday. GenDev as usual. Leche, I thought we were going to present our case study today.. Buti na lang next week na lang ulit. We're totally NOT ready. Kakaiba kasi ang group ko. Hindi kami magkita-kita at walang panahong gumawa. Kaya ayan, wala parin kaming matinong nagagawa. We were dismissed early (as usual), kasi one group lang ang mejo tapos na sa study nila (na kaawa-awang sinabon ng prof naming mahilig maghimay kahit wala nang mahihimay... tsss...) kaya as usual, lakwatsa nanaman kami nina Mackie. This time, hindi na Eastwood, at baka mamaya ma-imbyerna pa samin si mareng Lovely. Hehehe. *wink* Nag-drive thru muna sa McDo para sa nuggets ni Mariz, tapos tinawagan namin si ate Ella para sana mang-istorbo sa bahay, kaso uwi daw sila ng Bulacan.

Tapos.. Eto na. Eto na ang kwento. Edi as always, hindi kami makapag-decide kung san kami pupunta. Hanggang sa nakarating na kami sa may Commonwealth, tapos Don Antonio, tapos naisipan na sa Treehouse na lang kami mag-iinuman at magkkwentuhan. Edi yun! Ok na. Sizzling sisig, manggang hilaw at bagoong, mga bote ng San Mig Light. (Siyempre hindi uminom si L. ha. Good gurl ah! hehe.) Putek. Ang sarap nung sisig! Pati yung bagoong hindi ko matigilan ng pagpapak. Edi sobrang enjoy na ang kwentuhan. Take note, wala pa masyadong tao kasi maaga-aga pa nun. Maya-maya, parang kulay puti na ang paligid. HUH!? Teka, wala pang isang bote naiinom namin, lasing na ba kami? Hahaha... Ayan na! Sobrang mausok na sa paligid namin. Hindi pa malaman nung una kung san galing. Mejo natigilan na kami sa kakakain nung yung manager at mga waiter nagkakagulo na ng konte. Juskopo! May sunog na pala sa taas! Nagmamadaling kinuha ng mga kaibigan ko ang mga bag, etc., at ako naman ay nag-atubiling magsuot ng sapatos sa kaliwa kong paa, at dali-daling sumubo pa sa pagkasarap-sarap na sisig. Langya yan, pagtakbo namin sa akala naming pwedeng labasan, wala palang daanan! Panic sinks in. Mejo kumakabog na ang dibdib ko. Kalmado pa nga ako kumpara sa tatlong yun eh, kanya-kanyang sigaw na ng "Baka yung tangke, yung tangke!" tsaka "Dito, dito! Labas tayo dito!", etc. Hanggang sa lumabas na kami (umikot pa sa malayo kasi nagkamali nga) at mejo nanood kung ano ba ang nangyayari. Hayun. Sa bandang taas, kung san nakatapat yata yung pinaglulutuan (kusina) eh may malaki-laki nang apoy. Mejo dumadami na rin yung tao sa paligid, pero ang bagal bago talagang may kumilos at tinry i-extinguish yung fire. Hay! Shempre layas ever na kami, kahit sayang na sayang kami sa beer at sisig at mangga. Hehehe. Yun pa ang inisip noh? Oh well... Libre naman. Malamang. Hindi na kami nagbayad.

Sa nerbyos naming apat eh obviously, sa kotse ni Mackie hindi namin matigilan ang pag-usap tungkol dun. Pero nung bumaba na si Lovely para umuwi, mejo nag-move on na rin kami. Life must go on, ika nga ni Kris Aquino. Hehehe. Kaya ang natirang tatlong mukhang inom eh umabot pa ng Marikina para ituloy ang naudlot na inuman. Complete with the table for three sa tapat ng aircon sa second floor ng kung ano mang bar yun na may masarap na nachos. Hehe. Tapos yun, pagkaubos ng kanya-kanyang bote eh umuwi na rin kami at may date pa ata si M. Which "M"? Either. Haha.

Whew. In fairness, kahit feeling ko kalmado ako kanina eh talagang kinabahan ako. Lalo na nung nasa corner kami nung restaurant, tapos parang wala kaming mapaglabasan. Tapos katabi pa namin yung kusina kaya mejo nakakatakot na baka may sumabog pa dun or something. I'm downplaying it a bit, but I really got scared for a while. It seems kinda fuzzy now-- I can only remember random voices and movement, but I know that it was really, really scary. Suddenly all that mattered was getting out of there alive, and in one piece. And it didn't help that my companions were kinda panicking. Hee. Thank God that's over. And thank God nothing very *bad* happened. Whew. Baka mamaya pinagagalitan kami ni Lord kasi hindi namin iniintindi case study namin at puro gimik ang iniisip.

Speaking of Treehouse, naalala ko tuloy yung Treehouse sa UP. Hay! Sina Mary, Mako, Marivic.. teka, si Kristine ata hindi namin nakasama dun pero naalala ko rin siya. Hehe. Whoa. Bigla kong napansin na ang dami ko atang kilalang "M" ang start ng name. Layoooo, tol! Hay. Pasensya na. I'm... (ika nga ni Mackie) wasak.

Wasak talaga. What a day. Sobrang init na. Summer na summer. Ayan. Nagkasunog pa. Yoko na. Magkukulong na ko sa may aircon. Bow. Good night.

Wednesday, March 09, 2005

Sharing.

Parang sa bigat ng mga sama ng loob ko ngayon, nakalimutan ko nang ang ibang tao rin nga pala, may sari-sariling problema. Iba-iba nga lang ng klase, iba-iba ng level.. pero problema parin. Ilang araw na kong nadedepress dahil patong-patong na ang mga iniisip ko, buti na lang, today, kahit papano na-lift ang spirits ko at nakapag-release ng mga tinatago-tago kong feelings.

Ayun, walang NSTP nung morning, kaya sa bahay lang ako.. dumaan sandali ng school dahil kinailangan mag-usap-usap ng grp ko sa GenDev, tapos tinawagan ako ni (Jen)nica sa cel. Nangangamusta lang. Bigla ko na lang nasabing "Gusto mo daan ako jan?" (Nasa UP sya at that time). Wala lang. Last week lang naman eh lumabas kami, at usually once a month lang kaming nagkikita. Eion. So tumambay muna ako sa school kasi may kailangan siyang gawin hanggang mga 5pm, tapos nung mga 4:30 eh pumunta na ko ng Diliman. Aww. Shet, shet, shet. Reminiscing mode ako. As in todo-senti. Wala pa namang masyadong tao, kasi nga Wednesday. Grabe. Naappreciate ko nanaman ang ganda ng UP. Miss na miss ko na ang environment, yung mga building, yung feeling na kahalubilo mo ang mga pinakamatatalinong tao sa 'Pinas. Ang saya, na ang lungkot din. Ang dami kong naalala. Shempre namiss ko lalo si Che. Bumili ako ng monay habang naghihintay, at kahit malamig na yun, sobrang nasarapan parin ako. Parang ang tagal na mula nung huli akong kumain nun. Samantalang dati-rati eh araw-araw yung ang merienda ko. Badtrip pa, hindi na ko makakapasok ng MainLib. Kasi nga hindi na valid ang ID ko. *Waaah!*
Hurtful. So freakin' hurtful.
Anyway, nagkita na kami ni Nica tapos punta na ng Katips as usual. Naaliw ako dahil nakita ko sina Mrs. Rilloraza at Mrs. Eusebio sa National. Pero siyempre hindi ko na sila nilapitan at kinausap. Hehe. Si Mang Pablo na lang, na nakita ko nakatambay sa labas. Pati si Ms. Cimafranca, na grad pala ng PWU-Taft. Ayun. Bumili ako ng Spongebob VCD para sa adik kong pinsan na si Chloe, at si Nica na-persuade ko bumili ng Fight Club. (Edward Norton and Brad Pitt! Hay. And hindi nga lang sila ang reason kung bakit love ko ang movie na 'to. Parang.. bonus lang na sila ang nandun. *sigh*) So ayun. Kahit papano nakapag-usap kami ni Nica tungkol sa mga bagay-bagay na ngbobother samin.. etc. Part I yun ng mga 'pagrerelease' ko. Hehe. Tapos, katxt ko si JR nun, di siya makapagdecide kung hahabol siya samin or not. In the end, umabot naman siya, habang kumakain kami ni Nics sa may Mrs. Fields. Hindi rin nagtagal si Nica kasi may exam siya the next day, kaya umalis na rin siya agad. Aliw talaga na magkakilala na silang dalawa tlga. Happy ako na two of my closest friends could sit together and actually have a real conversation, as if friends na rin tlga sila. La lang. It was just a great feeling being with the both of them. Eion, JR and I hung out at Cello's, kung saan naman naganap ang Part II. Siyempre hindi ko na isheshare ang mga pinag-usapan namin dito, basta happy ako na nakapag-usap kami nung araw na yun. Nung sinundo kami, kasama si Chloe sa kotse kaya nagkwentuhan sila ni Jasmine. Ang tawag ni Chloe sa kanya eh "Ati-Ahsmin". Hihi. Cute!

Lahat ng nangyari sa araw na 'to eh hindi planado. Siguro totoo nga na minsan mas maganda pag hindi nagpplano, kasi pag may plano hindi natutuloy. Naalala ko tuloy ang isa sa mga favorite words namin ni Nica, "spontaneous"! Haha.

Yun nga lang, pagkauwi, back to reality nanaman. Tapos bukas, back to school. Back to everything. Pero ayos lang. Hindi na ko kasing *down* tulad ng really, really L O W point ko last week. Hay. Ayoko nang isipin ang mga araw na yun.

Saturday, February 19, 2005

Burp.

Wala lang.

Image hosted by Photobucket.com
Sa Eastwood.

Image hosted by Photobucket.com
Wasaaak.

Monday, February 14, 2005

Balentayns.

I've always been apathetic towards Valentine's Day. Whether or not my so-called 'love life' was okay, I just didn't care that much about this day. No bitter feelings whatsoever. Talaga!

I was talking with JR yesterday.. and only listened with half an ear when she was talking about how tomorrow (er.. today) was supposed to be a 'day of mourning'. I remember just shrugging it off.. I don't have a date this year, but I'm not really that bummed about it. I just didn't care.

But then..

5 p.m. -- I had my wake up call. Literally. Figuratively. Whatsoever. And now everything has changed.

She was right, after all. Today is a day of mourning.

Sunday, February 06, 2005

Luau.

Two pics from Gar's debut at Rembrandt. (02/05/05)

Image hosted by Photobucket.com

Group pic! :)

Image hosted by Photobucket.com

I'm so proud of these guys. Galing ng batchmates ko! Hehe.

Aloha..oy. =)

Wednesday, January 12, 2005

Kuwaderno Reloaded.

Hmm. I can't decide.

Should I offer some sort of explanation for the absence of any new posts since... (checks last update)... *gasp!* October 2004?!... or should I just continue blogging and pretend like nothing happened?
[Translation: Should I be all nice, boring, and considerate to the readers of this blog and give all the sordid details of what went on in this big joke that I call life, that made me unable to post for the last few months? Or should I be all enigmatic and mysterious and leave everything to the readers' imagination? *cue smokey lights and misty glow*]

Hmm. Since I'm one of those people who believe in the gray area between the proverbial black and white, I guess I'll trudge the 'safe' middle path. I therefore state that..... I've been through some rough times, and I didn't think I could handle writing about them. In addition to that, I've been really, really, really busy.

So there. It's 2005 (gosh! I feel old! Heh.), it's a new term (at least for my schoolmates), and I'm in the mood for some bloggin' fun. =)

Here's to '05, and here's to another shot at a better life! Cheers!


RaNd0m

~ Something I read in a 5th grade classroom I visited a while ago: The essence of life is the art of living it. ~

~ Sharing: I went shopping today, masyado kong naappreciate ang difference ng presyong $$$ sa presyong Php. Kaya nag-enjoy akong mamili. ~

~ Wala na akong jet lag. (Yup, galing po ako ng States. Nung Sunday ako dumating.) Nakita ko si Mary sa mall kanina. Saya! So weird nanaman na may 'collision' ang aking mga mundo. Nakasama ko in one place ang ilang Pidabs friends ko at isang Peyups close friend. Kahapon lang, ay hinde, nung isang araw pala, na-meet na finally ni JR si Ate Ella. Wala lang. Weird ang pakiramdam. Hehe. Nung maliit ako, ayoko nung PTC ek-ek (Parent-Teacher Conference) at iba pang school activities/affairs na kakailanganin pumunta ng pamilya ko sa school. Kasi ayokong nagkakatagpo yung dalawang magkaiba kong mundo - yung sa bahay at yung sa school. Pero siyempre iba naman yun. Hehe. Shinare ko lang. Eto na lang. Naalala ko tuloy ang naimagine ko before... na what if nasa iisang place lahat ng mga mahal ko sa buhay at yung mga people na closest to me...? Pero I'll write about that some other time na lang. ~

~ Miss ko na talaga si Che. Iba talaga ang feeling ngayong naranasan ko na ulit na makasama siya. Ang hirap tuloy ngayong hindi nanaman kami magkikita. Hay. Basta. ~

~ Balik na ko sa sirkulasyon ng mga forwarded messages (well, Sun kasi eh..). Minsan nakakabwiset, minsan nakakaaliw. Comme ci, comme ca. Parang buhay ko. Hehe. ~

~ New look ang friendster. Hindi na Beta. Hindi super "wow", pero maganda naman. Mejo malinis na ang interface at kahit simple lang, eye-candy. ~

~ Sa wakas! Ang mga pasalubong ay unti-unti ko nang naipapamigay. Nabawasan na ang kalat sa kwarto ko (although hindi pa completely). ~

~ Si Chloe ay tinatawag ko na ngayon na 'Bilog'. Hehe. Nakakagigil! Nagkalaman na siya sa wakas, at super daldal na niya. Haaay. ~

~ Ang pangit ng sched ko this sem. Argh. AAARGGGHHH. Pero wala na kong magagawa, kaya I'll make the most out of it na lang. ~

~ Tama na. Matutulog na ko. May pasok nga pala ako tomorrow. ~

Sunday, October 10, 2004

N.R.

Two days before my birthday... and I have nothing to say. Heh.

Saturday, September 25, 2004

Metapora.

Hinihintay ang pagdating ng panahon na malamig ang simoy ng hangin. Pinagmamasdan ang paligid, nagbabakasakaling hindi na nagtatago ang mga talang sinasabit sa mga bintana. Nakikiramdam, naghahanap ng tinig ng mga batang nag-iikot-ikot, may dalang mga latang lalagyan ng barya. Bumabangon ng maaga, inaabangan ang pagtunog ng kampanang nagtatawag sa mga may nais hilingin. Tinitingala ang langit, pinapanood ang pagpapalitan ng liwanag at dilim -- pinagdadasal na sana makisabay ito sa pagkurap ng aking mga mata.

Sunday, September 19, 2004

Deezeezeet.

Ang kulit ng tiyan ko. Nagtutumbling.

Saturday, September 18, 2004

Yahoo! (pun intended)

Sa wakas! May Gmail na ko! Waaahhh... Antagal-tagal ko nang naghahanap ng makakapagbigay sakin ng invitation for this. Thank God for fellow shipper and CSI fanatic, Ann! Yahoooo!

Kaya everyone, dito niyo na ko i-email ha... With 1GB storage, never na ko magdedelete ng kahit anong message... Hay! Saya. (pero siyempre buhay na buhay parin ang Yahoo! account ko. Hehe.)

--> kat.santos@gmail.com

For more info about Gmail, go to http://gmail.google.com.

Wednesday, September 15, 2004

Trip.

I went on a trip down memory lane, both literally and figuratively.

My guy bestfriend Niel had this "project" (bawal muna sabihin... saka na lang... hehe.. ;-p) that involved a video camera, his car, our old batchmates, and a whole lot of memories.

Anyway, I was his companion for today, so I had the chance to allow myself to be the senti and corny person that I am. Nagpunta kami sa place kung saan kami nag-Senior prom, dun sa may Capitol Hills... Pero hindi na ko bumaba ng kotse, medyo marami kasing tao, eh para makuhanan ni Niel ng maayos yung loob, mag-isa na lang siya para hindi na mapansin masyado. Tapos pumunta kaming AFP Theater, at ang swerte namin kasi hanggang sa mismong loob na loob eh nakapasok kami. Nag-enjoy akong magtatatakbo sa mga aisle, habang kumukuha ng footage si pards. Doon na rin niya ko kinuhanan ng "interview". Pagkatapos sa theater, nag-ikot-ikot kami ng AFP kasi di namin maalala kung saan naganap yung Junior Prom namin... Basta ang alam lang namin, banda doon lang din. Maya-maya, nakita rin namin... Weird kasi katabi lang pala nung theater, umikot lang kami at napalayo. Haha. Hindi ito pang-Amazing Race! Ayun, napasok din namin yung place, at nagkaroon ng konting glimpse nung hall kung san kami ng-prom. (Take note, kaming dalawa yung emcees nung gabing yon! hehehe...) Eion. Masaya... Kasi nakapag-reminisce ako; akala ko hindi na ko mabibigyan ng chance na makita ulit ang mga lugar na 'yon. Nakakaaliw yung feeling sa loob-loob mo kapag nabibisita mo yung lugar kung saan naganap ang mga magagandang memories nung High School, kasi kahit parang ang tagal na nun, eh parang nagkakaroon ka ng reality check na --uy-- totoo nga palang naganap lahat ng 'yon, at hindi panaginip lang. After nga pala nun, hinatid na rin niya ko sa bahay. Nagka-migraine nga ako pagdating ko eh. Ewan ko ba kung bakit. Hehe.

I mentioned the Amazing Race kanina; yung episode ngayon eh yung nandito sila sa 'Pinas. Enjoy! Hahaha... Maganda yung epi, hindi dahil biased ako pero dahil sobrang nakaka-tense talaga lahat ng nangyari, and hanggang sa last minute eh hindi ko mahulaan kung ano yung mangyayari.

Ayun. Hanggang dito na muna at nagugutom nanaman ako. Hehe.


Pards at work!

A poem.

Courtesy of B.

Love's Philosophy
Percy Bysshe Shelley

The fountains mingle with the river
And the rivers with the ocean,
The winds of heaven mix forever
With a sweet emotion;
Nothing in the world is single,
All things by a law divine
In one another's being mingle—
Why not I with thine?

See the mountains kiss high heaven,
And the waves clasp one another;
No sister-flower would be forgiven
If it disdain'd its brother;
And the sunlight clasps the earth,
And the moonbeams kiss the sea—
What are all these kissings worth,
If thou are not kissing me?

Tuesday, September 14, 2004

Yestahday.

I adore my little cousin Chloe, but I am slowly edging towards the brink of insanity, (no)thanks to all those Barney videos that she insists on playing over and over… and over. Allow me to quote my ever-reliable bishpren Jasmine’s parody of one of the most popular songs of that sickeningly cheerful dinosaur, “I hate you… You hate me… Let’s get together and kill Barney!” (Cue devilish soap opera kontrabida laugh…)

I don’t know why that totally random piece of information had to seep through my idly typing fingers (one that somewhat shows the expertly hidden sadist part of me, even). Forgive me; I’m just so incredibly annoyed. Right now, I’m turning the volume up on my headphones to drown out that overgrown purple mascot’s nauseating laugh.

Enough about that.

Yesterday Jasmine and I watched The Notebook. We’ve both read the novel back in high school, but we’ve already forgotten most of the story, so we simply had to see the film. So what can I say about the movie? One word (is it even a word?): *sob*. Damn. It was cheesy, yes, at times, but... we couldn't help but blubber throughout the whole thing. At enjoy na enjoy naman kaming humagulhol, noh. Masarap titigan si Ryan Gosling eh. Hehe.

We were the most wet creatures in the moviehouse; aside from all the crying, we both forgot to bring our umbrellas and ended up walking in the rain from the MRT Station to the mall. Almost every part of us was dripping (like my hair) and soggy (like her socks! Eeeewww...). Oh, well.

My favorite part of the day? We were eating at Magoo's, talking about our good friends David and Krista (who I had the fortune to catch up with through text the other night), when I had the silliest of urges to do a Diether, to which we had a really good laugh over. (Y'know, the twisting pizza thing...) Babaw, noh? Wala lang. Talagang sa little things ako nasisiyahan eh. :)

When I got home, Mary called. We talked 'til after midnight, and the reason that I am mentioning this here is because I wanted to share my facial expression for the whole duration of our conversation. Ready? Drum roll, please......: O_O;

Yes, those two O's were my eyes, the "_" my mouth, and the ";" is cold sweat. Haha. Yun lang.

Saturday, September 11, 2004

Kwento lang.

Wala ako sa mood na magmuni-muni tungkol sa pinagmulan ng mundo ngayong araw na 'to, kaya magkukuwento na lang ako. :-)

Natitigan ko nanaman si Oble kahapon. Nasa Quezon Hall kasi ako para panoorin at suportahan si Mary at Marivic sa recital nila (Kontra Gapi). Ang saya, bilib na bilib ako sa kanila. Proud na proud ako sa mga kaibigan ko -- shempre, ang hirap din ng praktis nila noh, matagal-tagal na rin nilang pinaghahandaan 'to eh. Natutuwa rin ako kay Diokno, Jairus at yung isang classmate ko dati sa Archaeo at Chem na tumugtog din, at nagulantang sa dati kong kaklase sa Math 100 noong sumayaw siya ng Ati-atihan (dahil napakatahimik niya sa klase dati at parang halos hindi gumagalaw). Haha... :p Sa wakas ay nakilala ko na rin nga pala sa personal si Upton na kaibigan ni Mary.

Nakausap ko si Niel, at natuwa ako dahil kahit madalas ko siyang nakakausap lately, mas matagal-tagal ko siyang nakadaldalan kagabi. Miss ko na rin 'yang pards ko eh. Minsan kasi iba pa rin ang samahan 'pag tipong mga batang paslit pa lang kayo eh magkakilala na.

Nga pala, Cheering Competition na bukas! God bless sa UP Pep Squad! UP Fight! :)

Thursday, September 09, 2004

Kakornihan.

Sobrang stressed ako nitong dalawang huling araw. Ayoko nga ikwento dito kung ano ang nangyari; in denial pa rin ako eh. Basta ok na ngayon, hindi ko na masyado pinobroblema. Hihintay ko na lang ang Sept. 20. *buntong hininga*

Pero.

Bakit kaya ganun? Ang sama-sama ng araw ko eh. Pagod ako, magulo ang utak ko, ang dami kong iniisip na kung pwede sana eh ayoko nang isipin.

Pero.

Tumawag si B... Shet. Nag-iba ang mundo. Para bang lumiwanag nanaman, kahit lumubog na ang araw at makapal ang ulap sa labas. Iba talaga... Iba talaga pagdating sa kanya. Unang dinig ko pa lang sa boses niya, parang nanliit na lahat ng inaalala ko. Lumiit nang lumiit, naging kapipiranggot na dumi sa may paanan ko, kayang-kaya nang apakan at ibaon sa lupa.

Ang gaan. Ang sarap ng pakiramdam. Gusto kong pumikit na lang at pakinggan ang kanyang bawat salita. Gusto ko lang malunod sa musika ng kanyang boses. Gusto kong namnamin ang bawat minuto ng limitado naming oras, at kabisaduhin ang bawat buntong hininga niya, para maya-maya, pagbaba ng telepono, maaari ko itong balik-balikan.

Gusto ko sanang laging ganito. Gusto kong 'wag nang matapos ang (bitin na bitin na) halos isang oras naming pag-uusap.

Pero.

You have 3 minutes remaining.

*sigh*

Nagmamadali naming sinabi ang mga pangako sa isa't isa. Ang mga habiling sinasambit pa rin kahit sigurado namang tinutupad na. Ang mga sinisigaw ng damdaming kung tutuusin ay magkatulad... iisa.

"Ano ba 'to, B, ang hirap ng gan'to... To ----"

*click* *busy tone*

Bye, B. Sana umuwi ka na...

Pero.

Hindi na niya 'yon narinig.